Mga Pahina

Sabado, Oktubre 6, 2012

Fear of Falling In Love Again




Kadalasan satin pag nasaktan na, takot nang magmahal muli. Iniisip kasi natin ang mga pasakit na naidudulot ng pag-ibig. Maiwanan, paasahin, maloko at ang ipagpalit, ilan lang yan sa mga pinakamasaklap na pakiramdam sa mundo. Minsan ito rin ang rason kung bakit nanghihinayang tayong magmahal matapos masaktan, sa takot na baka maramdaman ulit ang mga bagay na ito.



Dahil sa panghihinayang na buksang muli ang pinto sa iba, nakakasakit na tayo ng di namamalayan. Paano na lang ang nagmamahal sa atin ng lubos? Hindi ba natin sila bibigyan ng pagkakataon upang iparamdam satin na karapat dapat tayong mahalin ng tunay? Hindi dapat natin pagsarhan ng pinto ang mga taong handang ipakita satin na mahal nila tayo. Hindi ko sinasabi na hindi na mauulit ang mga pasakit na nangyari noon, ang gusto ko lang iparating, maging bukas ang damdamin sa iba. Huwag tayong maging bitter. Kung anuman ang naranasan sa past, dapat magsilbing aral ito satin. Hindi ka pwedeng mabuhay sa nakaraan, kailangan nating magpatuloy. Magpatawad at kalimutan siya. Buksan ang puso at magmahal ng iba. Gayunpaman, hindi dapat magmadali. Hinatyin munang maghilom ang sugat na naiwan sayo ng nakaraan.




 Sa buhay, may mga tao mang mawawala, may papalit parin at yung mga taong papalit ang magpupuno ng pagkukulang ng nakaraan.












bloggin'
xx, The PoseidonKid

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento