Always remember that when you love, it's better to tell the truth to make someone cry than to tell a lie to make someone smile.
Lunes, Pebrero 4, 2013
Dear You,
Hindi mo alam kung gaano ako kaaffected sa mga nangyayari ngayon. Feeling ko nga wala kang pakialam eh, na okay lang sayo to. Mas moody ka pa sakin eh, alam mo yun? Kahapon ang saya saya pa natin, pinakilala mo pa ko sa pamilya mo, tapos ngayon ano na? Parang isinantabi mo lang yung mga nangyari kahapon. Kaya ka ba nagkakaganyan dahil dun sa sinabi ng adviser natin? My Gawd naman. Hindi ko rin namang ginustong banggitin niya yun sa harap ng mga classmates natin eh. Kung yun ang dahilan, wag mo naman sanang ibuntong sakin yang pagkainis mo. Akala ko okay tayo eh. Nung di mo pagsagot sa tanong ko kanina, ayos pa sana sakin yun eh. Pero nung pag-iwan mo sakin kaninang uwian? Kagaguhan. Ano ba naman sana yung magsabi ka lang man na uuwi ka ng maaga kesyo ganito, kesyo ganyan. Hindi mo kailangang iwan ako dun na parang di mo ko obligasyon. Nakakainis ka na ha. Napakainsensitive mo. Kung may problema tayo, sabihin mo! Hindi yung bigla bigla ka na lang di magpaparamdam, nakakap*ta eh. KUNG ALAM MO LANG KUNG GAANO AKO NASASAKTAN NGAYON. Siguro nga wala ka talagang pake kahit di na tayo magkaayos. Sige! Dedma kung dedma! Napapagod na ako, lagi na lang ako yung nanunuyo kung nagkakaproblema tayo. Ang gusto ko lang naman mag-effort ka kapag dumadaan tayo sa mga ganitong sitwasyon. Ipakita mo na ayaw mo kong mawala sayo!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)